Nangyari po ito noong huwebes, Septembner 19, 2014 sa oraas na 7:30 ng umaga. Nasa labas po ang Tiyahin ko upang ilagay sa kanilang motor ang pansit na kinuha nya sa aking lola, dumaan po ang kotse na minamaneho ni Jenny Gallano na nakatira din sa Sudb na aming tinitirahan. Nabangga po ni Jenny ang Tiyahin ko, hindi na po sila nakapag hantay ng pulis dahil dali dali na syang dinala sa ospital ng nakabunggo. Sinagot po nila lahat ng gastusin sa ospital, dun na din po namin nalaman na walang lisensya ang nakabunggo at kung may kasama man po sya ay ang kanyang asawa na wala ding driving license. Sa ngayon po ay hindi maklakad ng amaayos ang tiyahin ko at patuloy itong namamaga. Pinahabol pa din po namin ng blooter ang nangyri noong Sept. 21, 2014 sa Pulis ng San Mateo sa may Guitnang Bayan na malapit sa munisipyo. Mag aabroad po sana ang Titayhin ko bilang DH na aalis ng Sept 24, 2014 ngunit sa nangyari ay hindi po sya makakalis at kailangang magamot ang kanyang tuhod na siguraduhing wala na syang mararamdamang sakit. Sa edad 50+ na din po ang aking Tiyahin at maari pong magkaroon pa ng ibang pananakit ang kanyang tuhod at maaring mag trigger na sumakit ito kapag syay nagtrabaho na sa ibang bansa. Maari din po itong maging dahilan ng pagkatanggal nya sa trabaho kung sakaling itoy magkaroon ng pananakit at sya ay lumiban sa kanyang trabaho. Nais po sana ng tiyahin ko na huwag ng umalis napagpasyahan na manatili na lamang sa pilipinas, ngunit kung hindi po sana ito nangyari sa kanya ay buo po ang kanyang isipang umalis. Nais po sana nyang pabayaran sa nakabunggo ang kanyang VISA, plan ticket at iba pang ginastos ng agency nya, ngunit pinagpilitan po nila na hindi nila babayaran ang gastusin na aking nabanggit, kung hindi naman nila nabunggo yung tiyahin ko ay makakalis yun. Ano po ba ang laban namin bukod sa pwede naming ikaso na RECKLESS DRIVING RESULTING TO PHYSICAL INJURY.
Nais ko po sanang makahingi ng legal opinion sa inyo kung ano po ang dapat naming gawin.
Maraming Salamat po.