Ngayon poh nagfile sila ng case ng di namin alam walang nagsabi kahit dalawang beses na kami dumadalaw sa hospital dahil kamag anak namin sila. Pumunta po mother ko sa prisinto ang gusto ng isang side eh ishoulder namin ang gastos ayaw pumayag ng mother ko dahil kakawala lang ng work ng father ko. Gusto ng kapatid ng naospital idemenda ang kapatid kong driver na studyante lang kung di namin isshoulder ang gastos. Nung dumating ako dina nga makaimik mother ko so ako na nagtanong sa police kung ano kinalabasan ng imbestigasyon wala naman maipakita pero kailangan daw namin magdesisyon that time dahil 24 hours na yun ang sabi ng kapatid ng naospital. Bakit po ganun tama ba yon? nagexplain po ang police na magkasundo nalang sa gastos ang dalwang panig sinabi namin na kung ano lang makayanan yun lang ibibigay pumayag naman kabilang side pero nilagay sa record na shoulder namin ang hospital bill at medicine until makarecover. may saksi na nakakita na mabilis talaga sila magpatakbo ng motor,hindi naman po sya kinausap ng pulis feeling ko tuloy naaggrabyado kami dahil kakilala nila ang police. Ngayon poh gusto ko sanang humingi ng payo kung tama ba ginawa nila dahil pinalalabas agad na kapatid ko mali dahil sila ang marami daw pinsala wala pa naman resulta ang imbestigasyon.Ano po ba dapat namin gawin dahil kung di kami magkasundo sa gastusin at ituloy nila kaso anong counter naman dapat naming gawin. nappyansahan poh ba ang kasong yon if ever na talagang nasa amin ang mali?
Please tulong po.
salamat po.