Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

reckless driving resulting to physical injury

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

jenacruz


Arresto Menor

Hello po,

Hihingi lang po ako ng legal advise kung ano ang considered serious physical injury?

Nakabangga po kasi ako ng bystander at kotse dahil nakatulog ako habang nag ddrive. Itinakbo po namin sa hospital at nagkaroon po kami ng kasulatan sa lawyer na sasagutin naming lahat ng expenses niya hanggang gumaling at magbibigay ng 1k allowance per day until fit to work siya. Yung sa nabangga na kotse we agreed na babayaran ang participation fee para sa repair ng kotse at nag claim sila na ginagamit ang kotse sa business and nag ask sila ng 1k daily allowance for loss of income while the car is in repair (wala po sila maipakita na business permit na kasama sa negosyo ang kotse)

Ako po ay walang trabaho at ang asawa ko ay sa call center nagtratrabaho. Di po realistic ung mga hinihingi nila na claims. Di po namin kaya bayaran yun sa totoo lang at sinabi po namin sa kanila yan nung sa lawyer pero sabi naming gagawan po naming ng paraan dahil nakadigrasya po ako.

yung nabangga po naming ay nagtratrabaho din sa call center. Justifiable po ba ang hinihingi niya na 1k daily allowance dahil may incentive pa daw po siya. Ang asawa ko po ay kumikita lang 700 per day at may mga anak pa po kami kaya di namin alam paano babayaran ang hinihingi nila.

dinala po naming sa public hospital ang nabangga ko pero pinipilit po ng pamilya na dalhin sa private hospital ang pasyente (yun po ang pinakamahal na ospital sa city namin) Dahil nga po naka disgrasya kami pumayag po kami dahil inaaway na po nila kami noon. naoperahan po siya dahil may napunit na ligament sa tuhod niya at sinagot po naming ang hospitalization nya (Umabot po kami ng 240,000php sa hospital bill na ipanangutang pa po namin) nakapagbigay din po kami ng 2 weeks na 1k daily allowance at binili ng gamut niya para sa bahay paglabas ng ospital.

Noong nagpapapirma po kami ng quit claim sa nabangga ay ayaw niya po pumirma dahil di pa daw po siya magaling. Para po maibalik ang nagastos namin sa hospital bill at maituloy ang pagbibigay ng allowance sa kanya ay kinailangan po naming I-file sa car insurance ang gastusin namin, Isa po sa hiningi na requirement ay ang quit claim na ayaw pirmahan ng nabangga. Ang sabi ko po ay di ko na kaya bayaran ang allowance na hinihingi niya at magsampa na lamang ng kaso.

Nagsampa na po ng kaso ung nabangga ko pero wala pa ko subpoena. pwede po ba I consider na serious physical injury ang nangyari sa kanya? 10-15 days po siya nag stay sa ospital. Maikukulong po ba ako pag napatunayan o pwede po ako mag file ng probation? may idea po ba kayo sa magiging bail?


Salamat po sa mga magbibigay ng advise.

Jadis

Jadis
Reclusion Perpetua

It might be considered serious physical injuries if the person was incapacitated for the work he usually undertakes for more than 30 days.

Even if he was discharged from the hospital that does not automatically mean that the person is ready to go back to work.

If you are convicted you can apply for probation.

Bail varies depending on the recommendation of the Prosecutor.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum