sana po matulungan nyo ang pamangkin ko nainvolved po siya sa pagnanakaw ng motorsiklo,wala po siyang alam na magnanakaw ang boyfriend nya na kasama nya nung araw na yun,siya po ang pinagdrive ng bf nya nung motor palayo sa tunay na may-ari nito.tinutukan po siya ng baril ng bf nya kayat napilitan sya itakbo yung motor,pero nahuli sya at yung bf nya ay nakatakas at sya po ay kinasuhan ng complainant subalit nakapagpyansa po siya.dinidinig po ang kaso nya sa malolos trial court subalit wala po siyang abogado,maari po ba ang ganun sa pagkakaalam ko po karapatan ng isang tao ang magkaron ng isang abogado na magtatanggol sa kanya,nahuli na din po yung suspect kelan lang at nakakulong sa maynila.at ngayon po ay pinagrerenew ng bail ang aking pamangkin,sadya po bang nirerenew ang pyansa.sa pagkakahuli po ba ng suspect ay maari ng mapawalang sala ang pamangkin ko,1 buwan po syang buntis ngayon at lubhang nangangamba sa kanyang kaso,kayat nais ko po syang matulungan kahit sa ganitong paraan po lamang.sana po matulungan nyo kami sa aming poblema.
Free Legal Advice Philippines