yung pinsans ko po ay isang call center agent. problemado po sya ngayon dahil 20 sa kanilang department ang sinabihang iteterminate sila dahil may isang metrics sila na hindi na-meet sa buwan ng march.
sa call center po ay may monthly evaluation po sa husay ng agent sa pag-english. sa call center po ng pinsan ko ACE ang tawag doon. yung policy daw po nila ay makakatanggap ng 1st warning ang agent kapag bagsak sa evaluation ng 3 straight times. tapos yung nabagsak na agent ay itratraining uli. pag nabagsak pa uli, may second warning sya. pag bumagsak sya uli ng pangatlong beses, termination na ang katumbas.
pero ngayon daw ho sa buwan ng march kapag nag fail sa english evaluation ay sibak sa trabaho. 20 silang lahat ang sinabihan na tatanggalin. wala raw ganitong policia na pinatupad. tapos, ni walang conference na gagawin. basta na lang silang sinabihan na iteterminate sila.
legal po ba ito? ano po ang dapat gawin ng pinsan ko at ng mga kasamahan nya? tama po ba na dumiretso sila sa DOLE? ano po ang dpat nilang dalhin na mga documento sa DOLE sakaling magpasya silang mag-reklamo?
maraming salamat po sa inyong magiging sagot