Meron pong 4 na anak ang lola ko, 2 sa unang asawa at 2 sa pangalawa. Wala pong legal na kasal sa bawat asawa. Patay na ang unang asawa, hiwalay sa pangalawa pero malamang patay na rin ang lolo ko sa katandaan mga 80+ na po sya ngayon.
Ang unang mga anak walang birth certificate na nagpapatunay na sila ay anak ng lola ko, alam lang ng pamilya na sila ay mga anak. At ganun po sila lumaking apat.
Ang mother ko po ay anak sa pangalawang asawa at may birth certificate po sila nakasaad ang pangalan ng lola at lolo ko bilang magulang.
Ang apat na anak walang interest na i-keep ang lupa para sa kanila. Ang gusto lamang nila ibigay ang titulo mula sa pangalan ng lola ko papunta sa akin na apo.
Kapalit nito bibigyan ko sila ng 1/4 kada isa ng magkano ang halaga ng lupa pagkatapos mabayaran ang mga kailangan para matransfer ang titulo.
Ano po ba ang proceso dito at mga kailangan naming gawin.
Kailangan po ba malipat muna ang titulo sa pangalan nilang apat, or pede nang skip ang part na to ang derecho sa pangalan ko.
Anong mga kasulatan ang kailangan ko para di ako habulin ng mga pinsan ko 14 sila. Isang anak lang po ako ng nanay ko.