Isa po akong sundalo ng Phil. Air Force. Gusto ko pong idulog ang nangyari sa kin at humingi na rin po ng legal na opinyon at payo kung ano po ang nararapat kong gawin. Napaaway po ako sa mga kapitbahay kong lalaki nung Jan. 2009 na pawang mga lasing. Dahil sa nangyari, pinarusahan ako ng opisina namin dahil umano sa "Misconduct" at ginawaran ng parusang "15 days hard labor with reprimand" nung July 2009. Sa payo ng Wing Commander namin, di na po ako nag apela at tinanggap na lang ang parusa kahit labag sa aking loob, dahil ipinagtanggol ko lang ang aking sarili sa nangyari at sila ang nagsimula ng gulo. Nung Feb. 2010, may lumabas na Special Order galing Hqs. Phil. Air Force at nakasaad doon na ako ay binawasan ng ranggo (Demotion in rank from SSgt to Sgt)epektibo ng Jan. 2010 dahil rin sa "Misconduct" na kapareho at base rin sa imbestigasyon ng opisina namin. Sa akin pong pagsasaliksik, maliwanag po itong "Double Jeopardy" at ito po ay ipinagbabawal sa ating Konstitusyon at di nararapat. Hanggang dito na lang po. Pagpayuhan po ninyo dahil gusto ko pong mabawi ang ranggo ko pati na rin po ang karangalan ko. Salamat po.
Free Legal Advice Philippines