Meron po bang legal services for those people na willing na i-settle yung debt nila with a bank?
Here's my situation:
I availed of a personal (cash) loan from PSBank last 2013. The amount granted was Php65k. Hindi ko siya nabayaran at all, meaning kahit isang hulog wala akong nagawa. Yun yung taon na sunod-sunod na yung pagkalugi ng negosyo namin at nawala din sakin yung sasakyan ko nun dahil nga nawalan na kami ng source of income. Fast forward to today, Nasa Php1M na daw ang balance ko. Gusto ko na din i-settle pero ang bank and legal team na tumatawag sakin nanghihingi ng Php660k na payable in 24 months or PHp500k daw na one-time payment.
Naiintindihan ko naman na may interest ang bangko, at mas mataas ang interest sa akin dahil hindi ako nagbayad nang kahit anong amount, pero sa tingin ko hindi naman kayang palaguin ng bangko ang Php65k to Php1M or even Php660k in 5years, para ganun na lang kataas ang pwede ko lang i-settle. I even offered to provide a downpayment and sana 36 months to settle ang balance kung ayaw talaga nila babaan ang hinihingi nilang pera sakin, pero ayaw nila pumayag. Hindi ko naman kaya bayaran yung Php660k in 24 months kahit anong ipilit ko kasi pano naman ang mga living expenses ko.
Gusto ko sana malaman if I can hire a legal representative to do the negotiations for me, or if merong way na makipag negotiate pa ako nang better terms lalo na at willing naman na ako to pay pero sana yung realistic na amount based sa kayang palaguin ng bank na amount sa Php65k in 5 years, at hindi yung puro interest for non-payment. And of course, realistic based sa capacity to pay ko ngayon with all my existing expenses.
Sana may makatulong. Thank you.