Hihingi lang po ako ng advice kung ano po ang dapat gawin sa situation kasi unfair naman po sa part namin kung basta nalang kami aalis, eto po yung situation:
-Nakatira po kami sa land property ng aunt ko for more than 8 years, pinatira po nya kami dito as favor sa father ko.
-Kami po yung nagpatayo ng bahay, nag cultivate ng lupa, marami nang puno at mga halaman.
-Right after mamatay ang father ko, biglang dumating yung lola ko (his mother), claiming na yung aunt ko daw po ay gagamitin yung lupa kaya dapat na daw kami umalis. Hindi po kami masyado nakikipag communicate sa kanila, lola ko and uncles, kasi medyo toxic sila sa buhay namin.
-Initially gusto nila umalis kami in 40 days, lumipas na po itong 40 days na ito at bina-baranggay na kami claiming na dapat mag sign kami ng kasulatan na around January 2019 aalis kami.
-Okay naman po sana samin kung hindi sya nagsisigaw at nanduro sa mother ko nung time na nagusap kami.
Concerns po namin:
-May recording na paguusap namin na we agreed "initially" na 40 days aalis po kami, kaya lang in the same recording naging unreasonable po sya and we decided later on na hindi pwede aalis kami dahil ang dami po naming gastos nung namatay yung father ko at dito din po ang kabuhayan namin.
-We refuse to sign po yung sinasabi nila na agreement na January 2019 aalis po kami, unang una po kasi malaki narin nagastos namin sa bahay and pangalawa po may pinapaaral kami at dito na rin ang kabuhayan namin.
-Another thing, medyo sure po kami na yung title po ng lupa ay hindi pa nakapangalan sa aunt ko.
All in all, wala naman po kaming balak na hindi sundin yung aunt namin kasi utang na loob namin sa kanya na nakatira kami, kaya lang ang unreasonable po ng timing na gusto nila mangyari.
Salamat po sa makakatulong kung anong steps po ba ang pwede namin gawin kasi napaka unreasonable po.