Nagtrabaho ng ilang taon po yong tito ko at papa ko sa kompanya at pinaubaya ng may ari sa tito ko ang compound na tinitirhan namin mula pa dati hanggang ngaun.
Ang pagkakaalam po namin rights lang po ang pinanghahawakan nila since ung lupa ay nasa coastal area naman, yong mga kapitbahay namin libre naman po nakatira din dito sa lugar namin.
Dumating ang panahon na humina ang kita ng kompanya at binayaran ang ilang mga trabahante kasali na ang tito at papa ko.
Ngayon po, 23 years na kami nakatira sa compound na ito at ngayon pinapaalis na kami ng may ari ng kompanya.
Ang problema po, wala kaming malilipatan. Wala po kaming mga relatives dito.
Ang tanong po, ayaw po talaga namin umalis dito sa tinitirhan namin kasi sobrang tagal na namin dito.
May laban po ba kami kung sakali?
Pwede po ba namin saluin yong rights if ever napatunayan na napabayaan nila ang pag renew nito?
Advice naman po