Meron akong isang employee na nagpasa ng resignation and currently rendering his 30 days. Pero malimit siyang hindi pumapasok. It's either sasamahan nya daw ang lola nya magpacheck up or reunion sa Quezon or masama ang pakiramdam. Nalaman ko rin sa mga kasamahan nya na sinasadya nya daw ito para mas mapaaga daw ang pag release namin sa kanya. Ano po ba ang tamang gawin sa ganitong case? Pwede ko ba siya i terminate kahit nagpasa na siya ng resignation or tagged him as AWOL? Ano pong mga backpay ang dapat namin ibigay sa kanya?
Meron din akong isa pang employee na nagpasa ng resignation and rendering his 30 days too. Maayos siyang magtrabaho at walang reklamo ang mga kasamahan nya. Tapos bigla nalang siya nag message sakin na hindi nya na daw matatapos ang 30 days nya at last pasok nya na daw kinabukasan. Pero hindi na rin siya pumasok kinabukasan without any messages from him. Ano po ulit ang pwede kong gawin sa ganitong case? Ano pong mga backpay ang dapat namin ibigay sa kanya if ever na hindi na talaga nya tinapos ang 30 days?
Maraming salamat po!