Gusto ko lang po ihingi nang advice ang concern ko regarding an online loan, cash lending ph, specifically. Pangsecond loan ko na po sa kanila, at currently ovedue na po for almost a month. Continuous naman po communication thru email call and sms sa kanila, telling na hindi pa po capabale magbayad. Sinabi ko rin naman po reason. Nagrequest po ako nang staggard payment kung maaari for at least three months para makacope up po ako sa due amount ko pero ayaw po nila. Aware naman po ako na short term lang yun, nagugulat lang din po ako sa laki nang interest. Binigyan lang po hanggang katapusan pero sinabi ko po na hindi ko pa kakayanin. Nanghihingi din po ako statement of account at contract aside sa app kasi po hindi ko na naaccess yung app, pero wala po sila binibigay. And worse, lahat po nang contacts sa phone ko ay tinitext or tinatawagan po nila disclosing about my loan, even my co workers, superiors, family, relatives, previous employer at ci workera, nakakareceive nang text. May specific number lang po ako binigay as reference pero po lahat nang contacts ko, alam na po. Napapahiya na po ako. Naread po possibly yung contacts ko nung ginamit ko yung app before. Tumatawag din po sila sa kanila, and may instant na tumawag sila samin, na hindi ko rin po pinapaalam sa magulang ko na may loan ako na ginamit sa medical expenses ko habang malayo po ako samin. Then tumawag sila dun, tinanong kung ano ano po ako, then sinabi po na kakasuhan ako pag hindi po nagbayad. Ginagawa ko naman lahat nang communications para maipakita sa kanila na hindi ko tatakbuhan yung loan ko. Possibly po, pati sa iba ko pang contacts, tumatawag sila. Please po, gusto ko po malaman kung ano pwede ko pong gawin, at ano po mga karapatab ko against sa mga ginagawa nila. Looking forward po ako sa advice nyo. Thank you in advance.