Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Anong case ang puwede file sa nagbenta ng pekeng pandora

Go down  Message [Page 1 of 1]

Francen


Arresto Menor

Hello po Good day! Kami po ay OFW na sumubok magbenta ng mga item online at sa mga kakilala. Ngaun po may nakuha kaming supplier ng isang brand ng Accessories named Pandora. Nung ginagawa namin ang transaksyon tinanong namin sa supplier kung authentic at original ang paninda nya ang sabi nya original kc may napagbentahan sya na kakilala na nakapagpalit ng nasirang pandora sa ibang bansa particularly sa Australia. Sabi pa nya galing sa factory sa thailand ang mga benta nya at kinukuha nya eto sa isang thailandee.Nagtiwala kami sa kanya at sa sinabi nya na authentic ang tinda nyang pandora dahil sya ay kakilala at malayong pinsan. So nag-order po kami ng maraming items at nagkabayaran ng mahigit 49,000. Naipadala nya ang item sa isa naming kakilala na sya naman ang magdadala ng item papunta dito sa Kuwait, ngunit bago pa makarating ang item namin dito ay napag-alaman namin na peke ang benta nyang pandora sa kadahilanang nalaman namin ang supplier nya na galing divisoria. Sa makatuwid gusto namin isoli ang nabili naming peke ngunit ayaw nyang isoli ang pera namin. Kaya napilitan kami na magharap harap sa barangay. Ngunit dahil wala kami sa pilipinas kami ay niripresenta ng aming nanay at sa oras din iyon kami ay nakaonline at kausap namin ang kapitan at mga konsehal. Nagkaayos naman na babayaran na lang ng asawa nya ang halagang mahigit 49,000 ng 1,000 monthly. Nagkasundo kami at nagkapirmahan sa pamamagaitan ng aming representative. Ngunit ngaun sya na naman ay umaapela na bawal ang ginawa ng kapitan dahil wala naman daw ang complainant doon dahil nga nandito kami sa kuwait. Ano po ang susunod na hakbang na aming gagawin para mabawi namin ang pera na binayad namin sa kanya? Maraming salamat po

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum