Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Help po, di ko po alam kung anong case ang i file ko

Go down  Message [Page 1 of 1]

hikain


Arresto Menor

Good pm po atty.  

Ask lang po ako ng legal advice. Yung pinsan ko po kasi nanghiram ng alahas sa mother ko para isanla tapos namatay na po yung mother ko last december.  Meron pong nakapagsabi sa akin na meron nga daw pong hiniram yung pinsan ko ng mga alahas. Kinompronta ko po sya tungkol dito thru text message and di po sya nag reply. Ang sabi nya po sa hipag ko na problema daw yun and wala syang load kaya di sya naka reply sa akin.  Tinawagan ko po sya para ibigay nya sa akin ang papel de ahensya; ang sabi nya di ko daw yun matutubos kasi wala sa pangalan ko.  Nagalit na po ako at nag text sa kanya.  Sumugod sya sa bahay namin pero yung kapatid ko ang  unang nakaharap nya at nagsigawan sila.  Dinuro sya ng kapatid ko pero hinawi nya ito kaya nagkaroon ng kalmot yung kapatid ko in return hinawi din sya ng kapatid ko, na out of balance po sya and napaupo sa styrofoam na nasa loob ng bahay namin.  Marami pong sinabing masasakit  na salita yung pinsan ko habang nasa labas ng bahay namin at narinig din yun ng mga kapit bahay namin.  Pinagbantaan po nya kami na ipapa barangay and nangyari na nga po yun. Di po sya nagpunta nung unang araw sa barangay kasi ang sabi nasa ospital daw po at admitted sya pero  kanina po yung 3rd at last na harapan sa barangay at mag file na daw po sya ng case laban sa amin.

Nangungupahan din po sya sa bahay namin sa kabilang kanto pero malimit po na isda ang pinampapayad sa amin kasi yun po ang negosyo nya.  

Ang tanong ko, papano po namin sya paalisin sila sa bahay namin legally at kung ano pong pwedeng kaso ang i file namin laban sa kanya.  Malakas po ang loob nya kasi wala naman daw po kaming ebidensya na nagpapatunay na nasa kanya at  sinanla nya yung alahas ng mother namin. and ano po ba ang mangyayari sa amin kung mag file sya ng physical injury sa korte?  Ni damit nya po hindi ko nahawakan nung time na sumugod sya pero sinama nya po ako sa complaint nya sa barangay ng physical injury and grave treat pero ang totoo po sya lang yung nagsisisigaw sa amin.  ang meron lang po kaming ebidensya is yung listahan ng mother namin ng mga utang nya pa dati.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum