Gusto ko lang pa sanang itanong kung pwede po bang mag fil ng kaso laban sa isang taong gumawa ng kwento na wala namang katotohonan.
Ganto po kasi ang nangyari: Isa po akong call center agent na walang pasok tuwing Huwebes at Biyernes, at pag wala po akong pasok eh binabyahe ko po ung tricycle ng mag magulang ko para makatulong sa pang araw-araw nilang gastusin. Noong pong October 7, 2016 ay may isang traffic enforcer po sa lugar namin ang nagsampa ng reklamo laban sa akin at ang sinasabi at nakipagsagutan daw ako sa kanya at tinakbuhan ko sya nung hinuhuli nya ako. Pero sa totoo lang po eh wala namang nangyaring ganon, nagulat na lang po ako ng tawagan ako ng nanay ko nung lunes para tanungin sa kung ano daw talaga ang nangyari. Wala namang ako maisagot sa nanay ko kasi wala naman talagang nangyaring ganon, ang mahirap po eh konsehal ang kapatid ko sa bayan namin at sinasabi na singot-sagot ko daw sya dahil konsehal daw ang kapatid ko. indi pa po kami nag kakaharap ng taong un pero gusto ko po sanang turuan ng leksyon dahil hindi naman tama na basta na lang sya gagawa ng kwento na hindi iniisip ang abalang gagawin nya sa mga taon apektado. Sana po ay matulungan nyo ako, salamat po.