Gusto lang po sana namin humingi ng legal advice, kasi yung mother ko, nalaman namin lately that on her birth certificate, she was declared as illegitimate child (meaning blangko po ang surname sa birth certificate ng mother ko, at may 2nd page po ito na sinasabi ng lola ko na illegitimate child ang mother ko na siyang pinirmahan niya pa). But all this time, ginagamit na niya yung apelido ng lolo ko sa "lahat" ng records niya. Pati records namin ng father ko, ang pangalan na naka-reflect ay yung name ng mother ko na ang apelido ay yung sa lolo ko. Ngayon nalaman namin na dineklara pala siyang illegitimate ng lola ko nung ipinaganak siya.
Ano po ba ang dapat naming gawin para maitama yung birth certificate niya? Namayapa na po ang lolo at lola ko 15 years ago.
May kopya rin kami ng marriage contract ng grandparents ko na ikinasal sila 3 years before ipinanganak ang mother ko. Pati yung panganay nila at yung tatlong sumunod sa kanya hindi naman illegitimate sa birth certificate nila..
Sa baptismal certificate ng mother ko, nakalagay naman din po ang pangalan ng lolo ko at ang pangalan ng mother ko ay tama naman (apelido ng lolo ko ang gamit niya)..
Maraming salamat po sa inyong posibleng mabilis na sagot..
Best Regards,
James Gomez