Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Planning to file an annulment

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Planning to file an annulment Empty Planning to file an annulment Thu Aug 02, 2018 11:46 pm

dyfrbs


Arresto Menor

Good day, hihingi po ako ng legal advise sa inyo sa sitwasyon ko.
Nais ko pong makipagfile ng annulment sa aking asawa na mahigit ng 7 taon.
Lagi niya po pinagpipilitan na may babae ako at sinasabi niyang ipapakulong niya ako kahit na nakatira kami sa bahay ng magulang ko.
Sa opesina pinapahiya niya ako sa mga kaopesina ko sa panggugulo niya sa akin.
Pati sa social media ginawan rin po ako ng poser account para ipahiya.
Yung dinadamay niyang babae lagpas isang taon na po akong walang kontak dun.
Pati po yung mga kaopesina ko ginugulo niya na hindi naman niya kilala ng personal dahil nagawa niyang pakialaman yung cellpohone ko para makuha yung mga number nila.
Pati yung mga alaga kong aso hindi pinalagpas sinabi niya na papainumin niya ng zonrox.
Kesyo may kakilala daw po siyang attorney na minsan di raw natalo.
Bigyan ko raw po siya ng pera. Kahit na nakabili na sila ng sarili nilang bahay ng hindi ko nalaman.
Sinisingil din po niya ako sa mga utang ko raw sa kanya pati sa pag alaga ng nanay niya sa aso ko sinisingil niya sakin.
Yung pagtira ng magulang niya sa bahay ng magulang ko wala siyang po siyang narinig sa akin kahit isa.
Pati pag ako sa pag aaral ng pamangkin niya hindi ko sinisita.
Sa pagkaalala ko po inayos niya ng walang consent ko ang pag fill-up ng application form ng magiging kasal namin nun.
Wala rin pong naganap na pag-uusap ng magulang ko sa magulang niya kahit na may edad na kami.
Wala rin sa usapan namin na kasama kong susuportahan yung magulang niya.
Dati po ay buo kong binibigay yung sahod sa kanya. Ngayon po ay kalahati ng sahod ko binibigay ko sa kanya.
Gusto ko na po mamuhay na lang ng mag-isa.
Hindi raw po sila aalis ng bahay ng magulang ko at ipaglalaban raw po niya karapatan niya dun.

eto po mga katanungan ko:
1. Paano ko po uumpisahan ang pag file ng annulment?
2. Anong grounds po ang maaari kong i-file for annulment
3. Obligasyon ko rin bang supportahan ng pinansyal ang kanyang magulang kahit wala kaming anak.
4. Sinasabi po niya kung hindi daw dahil sa kanya hindi ako makakatapos ng maaga sa college. Isang summer lang naman ang inutang ko sa kanya at binayaran ko naman yun nung nagkatrabaho ako.
5. Magkano po yung approximate na maari kong magastos para sa annulment?


Maraming Salamat po!

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum