Yung lupa po na kinatatayuan ng bahay namin ng pamilya at ng lola ko ay nakasangla. Pamana po ito ng inang po namin sa dalawa nilang anak. Ngayon po, nung nangailangan po yung kapatid ng lola ko ay isinangla nya to. Wala hong kopya ang lola ko ng Titulo ng lupa. Ang pinangangambahan po namin ay baka nung panahong may sakit ang inang ay napapirma sya nung kapatid ng lola ko na isalin sa pangalan nya lang ang titulo.
Malapit na po yung deadling ng lupa na kinatatayuan namin. Ano po ang pwede naming gawin? At kung nailipat po ang titulo sa kanya ay legal po ba ito? Kasi po ilang taon din pong nakaratay ang inang namin, legal po ba yung pirmahang naganap sa pagitan nilang dalawa?
Pahabol nga po pala, may bisa po ba yung waiver na napirmahan nung lola ko dahil nagigipit na sya? Maraming salamat po.