2 years ago po nakabili kami ng maliit lang po na property. Uuwi na raw po kasi yung May ari sa probinsya nila kaya binenta nya yung house nya. Last year po nilakad namin yung title transfer. Kaso nagka problema po kasi dun sa deed of sale nakalagay na may asawa yung seller. Nagprovide po ng hand-written document yung seller na walang habol yung asawa nya at anak dun sa property na binenta nya. Kaso ayaw po tanggapin sa Registry of Deeds kasi dapat daw May pirma yung asawa. Matagal na pong hiwalay yung seller at asawa nya, tsaka nakauwi na rin po ng probinsya nila yung seller. Wala na po kaming communication at hindi po namin alam kung nasaan na ngayon yung dating mag-asawa. Ano po kaya ang pwede naming gawin kasi nasa amin yung titulo pero hindi namin Mapa-transfer sa amin?