Hello po. Bale isa po akong illegitimate child. Married po ang Papa ko at single ang Mama ko. 18 years old na po ako at isang college freshman. Noong younger years ko po, hindi ko nakikita ang Papa ko. Bale, susulpot lang po siya depende kung kelan nya gusto. Tapos po nung mga 8 years old na ako, nagkaroon po sila ng arrangement ng Mama ko na every month ay magbibigay ng sustento ang Papa ko. Tapos minsan po nadedelay pero hinahayaan po namin. Tapos po nung 10 years old po ako, nabuntis si Mama ni Papa uli. Pero po nung pinanganak siya kaapelido na po siya ni Mama (ako'y kaapelido ni Papa) kasi po sabi ng Papa ko, pag nalaman na daw ng legal wife nya na may anak pa siyang iba maliban sakin (ako po ang una sa pitong illegitimate children ng papa ko sa iba't ibang babae) ay kakasuhan na daw siya nito at wala na siyang masusustento sa amin. Sa takot ng Mama ko ay pumayag siya. Kaya po iyon. Noong bandang 15 years old po ako, nagkaroon po kami ng di pag kakaintindihan ni Mama at nasabi ko na gusto ko lumayas sa bahay namin at pumunta kay Papa. Hindi po natuloy yon ngunit nakuwento ko po kay Papa ang mga nangyari. Nabanggit ko din ang isang beauty pageant na ninanais sana ni Mama na salihan ko ngunit ay hindi ko nasalihan dahil nawala ang cellphone ko na contact namin sa pageant na maaring ikinadagdag ng inis ni Mama. Nitong 16 years old na po ako, tumira na po ako ng hiwalay sa Mama ko dahil sa malayo po ako nag-aral. Nakadorm na po ako. Doon po ako binibisita ng Papa ko at nagkaroon po yata sila ng unspoken agreement na si Mama na ang susuporta sa kapatid ko at si Papa saakin. Maayos po ang pagsuporta ni Papa saakin. Nagmimintis kung minsan ngunit mas lamang ang maayos na pagsusustento. Ngunit sinabihan nya ako na wag ko sasabihin at wag ko bibigyan si Mama ng pera na binibigay nya dahil gagamitin daw niya ito sa pangsarili niyang kasiyahan. Kaya hindi ko sinasabi kay Mama kung magkano ang ibinibigay nya saakin buwan buwan. Nitong Hunyo nang 2017, dinala ako ni Papa sa bahay ng kanyang ika-apat na babae sa Batangas. Hindi niya ako sinabihan pauna pero bigla nalang nya ako dinala doon. At hindi naman ako maka-angal dahil natatakot akong magalit siya sa akin. Pero noon ay nakita ko ang magandang pagtrato sa akin ng kerida ni Papa kaya ipinagpasalamat ko ito sa isang liham na ibinigay ko kay Papa noong Father's day. Ngayong college na ako ay pinaguusapan na kung saan ako titira. Ako ay mag-aaral sa Diliman at may bahay si Papa sa Kamuning kung saan naroon rin yung nakilala kong ika-apat niyang kerida. Sabi niya ay doon daw ako titira upang maka-tipid kasama ang kerida niya. Hindi ako maka-angal dahil natatakot ako na magalit siya at abandonahin ako. Sinabi nya rin na wag ko itong sasabihin sa Mama ko. Ngunit nalaman ito ni Mama sa pamamagitan ng mga kamag-anak mismo ng Papa ko. Nagalit siya at nagpasaring sa Papa ko na wag ako ititira sa hindi nararapat at kung saan-saan na napunta ang argumento na wala namang kinalaman sa titirhan ko sa kolehiyo. Hanggang sa napunta na sa pag-uusap na magdedemandahan sila. Si Papa kay Mama on grounds of Child Abuse dahil umano sa pagpilit nito saakin na sumali sa mga beauty pageants para magkapera. Ngunit sinubukan kong klaruhin na ako ang may gustong sumali sa mga beauty pageants at ni wala ngang cash prize ang mga beauty pageant na sinasalihan ko. Si Mama naman ay gustong magdemand na dapat ay consistent na ang sustento ng aking ama sa amin. Ngayon po ay pinapapili po ako ng side. Ayaw ko po sana umabot sa puntong ganito dahil ayaw ko po silang masaktan. Gusto ko po sana, magkaaway man sila ay mapupuntahan ko parin po sila. AYAW KO PO MAMILI NG SIDE pero idinadaan po nila sa emotional torture sa akin at sinisiraan nila ang isa't isa sa aking paningin. Na ang tatay ko at babaero at ang nanay ko ay mukhang pera. Meron po bang legal na action na mag-uusap sila at magkakasundo sa kung ano mang arrangement? Ayaw ko na po kasi ng ganito na pinapapili po nila ako. Buong buhay ko po ay nakatira ako sa aking Nanay pero nitong huling 2 taon lang po ako nakakakuha ng direktang sustento sa tatay ko. Hindi ko na po alam ang gagawin upang hindi man mapagbati, ay mapagkasundo man lang sana sila. Nadedepress na po ako at nagkakaroon ng suicidal thoughts. Hindi ko na po alam ang gagawin.