Halos grades na nawawala sa akin eh 1st year pa ako at ngayon ko lang nalaman na nawawalan ako ng grades kung kelan naka graduate na ko ng ilang buwan at kukunin yung TOR at diploma ko.
Every other day akong tumatawag sa school para sa confirmation ng grades ko pero wala pa rin.
Last March 14, 2011 pinuntahan ko yung school para personal na malaman yung kalagayan ng grades ko at makuha na yung TOR at diploma ko. Ang sabi sa akin ng registrar eh magpakita daw ako ng dokumento na nagpapatunay na may grade na ko sa ganung subject ang problema eh wala na akong maipakita dahil inisip ko na unnecessary na itago yung mga ganung bagay dahil graduate na ko.
Hanggang ngayon on hold ang TOR at diploma ko at unemployed pa rin hanggang ngayon.
Sana matulungan nyo ko
Gusto ko lang idagdag na nung last Dec., 2010 nung hinahap ko yung grades ko kasama yung isa sa faculty staff eh karamihan sa grades eh wala sa computer (Excel) at karamihan eh nakalagay lang sa logbook.