My name is Joy. Ask lang po ako ng legal advice. This was happened November 2016 when my creditcard has been used to purchase 4 cellphones and aside of that it has been used for groceries stuff and department stores sa waltermart. With all these crazy bills umabot po ng 80,000 pesos ang bills ko. Yun mga phones po naka installment lahat. Pinuntahan ko po yun isang nabilhan ng phone and dun ko po nalaman na it was my bestfriend who did that. Inamin niya rin naman po saken na it was her who did it and ofcourse with the excuse na she just need the money kaya niya nagawa yun. She promised me and my mom na magbabayad siya monthly. Naawa po kase ako dahil may anak po siya.Nabayaran na po niya yun 59,000 pesos sa ngayon.Kulang pa po siya ng 21k and ilang buwan na po ang lumipas. Hindi pa rin po siya nagbabayad. Sobra 1 year na po kase. Ano po ba pwede ko gawin. Nahihirapan na rin po ako maningil dahil siya pa po ang galit. Magbabayad daw po siya kapag meron. Kapag wala ,wala daw. Tapos minumura na po niya ako. Mukha daw ako pera and sorry sa word P.I. daw ako. Sabi ko po idedemanda ko po siya. Tinatakot po niya ako na sige daw magdemanda ako dahil sisirain daw niya ang buhay ko. Ano po ba pwede ko gawin para masingil ko po yun 21k na kulang niya and actually nakaw niya po yun eh. Malaki laki pa po yun at pahirapan na po maningil sa kanya. Yun cellphone naman po nabenta na niya lahat. Gusto ko po siya idemanda pero hindi ko po alam kung paano dahil wala po akong evidence na. Hope po mabigyan niyo po ako ng advice. Thank you po.