Seeking for assistance and advice po.
I have a boyfriend and we are planning to get married next year.
Meron po syang nakalive in partner dati and they have 3 kids. His old live in partner filed a case of VAWC and Abandonment. After po mapagkasunduan yung amount na sustento sa mga bata, umalis po yung babae at iniwan yung mga bata kay boyfriend and since then, sya na lahat nagpprovide.
Hindi po sila kasal. Pero mula po umalis yung babae ay yung lalaki na po yung nag aasikaso sa mga bata while working. And yung babae, may ibang relationship na sa ibang lalaki/babae. Siya yung padalaw dalaw lang sa mga bata.
Ngayon, nagpaplano po kami magpakasal pero ginugulo kami nung babae. Hindi pa kami nagsasama ni boyfriend. At yung dating live in partner nya is bina black mail si boyfriend na ipapakulong siya dahil sa abandonment kapag nagsama kami at hindi daw papasamahin sa kanya yung bata. Where in the first place hindi naman talaga siya yung kasama lagi ng mga bata kundi si boyfriend naman.
May chance po ba na makulong si boyfriend kapag nagpakasal at nagsama kami due to VAWC at abandonment?
Hanggang ilang taon po ba kailangan i support ni boyfriend yung mga anak nya?
Is there any way po ba na ma void yung VAWC case na isinampa sa kanya kasi never naman talaga nyang pinabayaan ang pamilya niya?
Thanks po in advance.
Regards.