Would just like to seek for a legal opinion, please.
Kababalik lang po ng mum ko and her siblings from Ilocos para ayusin sana yung mga naiwang lupa ng Lola, their nanay (deceased). Andoon din po yung half-sibling nila (daughter ng lola from her previous marriage). Wala po silang napagkasunduan kasi yung half-sibling po nila, pinipilit na may dapat na inheritance pa siyang makukuha from Lola's remaining properties kasi yung naibigay daw sa kanila ng Lola noon eh galing lang sa tatay nila. No one knows kung yung mga lupa nga na naibigay sa kanila is from their Tatay lang or galing sa conjugal properties ng parents nila.
So ang questions po are:
(1) Yung naiiwang properties ng Lola, how would we know kung may right pa doon yung half-auntie ko?
Ang sinasabi po kasi nila Mama, conjugal properties na daw 'yon ng Lola at ng Lolo (second husband, dad nila Mama) so wala na right doon yung half-sibling nila.
(2) If acquired yung properties during the marriage of Lola and Lolo (second husband), automatic bang considered na conjugal 'yon kahit pa na, let's say, money lang ni Lola ang pinambili?
(3) If acquired yung properties before Lola's marriage to her second husband, automatic po bang madadala niya 'yon sa marriage and consider it as conjugal?
(4) Where can we get the documentations para malaman kung when na-acquire yung properties or sino nagbayad or if conjugal property ba 'yon or not?
Thank you very much in advance for your help. Hope to hear from you soon.