So okay na po naka pag loan na kami. Ang problema po until now year 2018 di pa kami nakapag bayad ng loan namin kasi gipit kami gawa nga sa work na min na di nman kataasan ang sahod na parang na pinas lang din kami na minimum lang ang sahod. Ngayon ang lending company until now panay ang padala ng letter sa bahay notice letter na may outstanding balance ako na di nabayaran since 2013. Tapos worst po yung lending company po nag screenshot ng fb acct ko at may caption po na may utang ako sa kanila with the amount pa ng utang ko sabay send sa lahat ng friends ko. Gusto ko sana mag bayad kaso sa interest po talagang baon na baon na ako at di ko alam kung paano babayaran po. Yung 60k na 11 months to pay po bala 96k pesos kung na bayaran ko siya sana tapos nag patong patong na rin po kasi aside sa delayed na penalty may perday penalty narin po.
Makukulong po ba ako if yung utang ko is 60k lang kung totousin po? Ano po ang legal advice po ang pwede niyong eg advice na gagawin ko po kasi natatakot po ako araw araw na baka anong mangyari. Thank you for reading my letter.