Hello po..Gusto ko pong humingi ng advice para sa father ko.Nagsasaka po sya ng kulang 1 hectare na bukirin mula pa po nung sya ay binata hanggang sa ngayon 65 years old n sya.Patay na po yung tunay na may ari ng lupa pero may 3 itong anak (2 adopted at isang tunay na anak).Gusto po nya malaman kung may karapatan po sya sa sinasaka nyang lupa.Nung namatay po yung may ari gusto pong kuhanin nung isang anak yung sinasaka nya.Ayaw nya po ibigay kasi malaki po yung hirap nya nung pinundasyon nya ung lupa,Yung father ko din po yung nagbabayad ng buwis ng kabuuang lupa simula po nung matigil ung pgbabayad nung 1993.Sabi po sa kanya pwede na daw po nya patituluhan yung lupa pero ang gusto po nya makuha yung mismong sinasaka nya lang.ang gusto din po nung tunay na anak kung alin daw po yung kanya kanyang saka nila yun na din daw po ang kanila. Ang naghahabol po ay yung isang anak na naglayas at bumalik lamang nung patay na yung tumayong magulang nya at gusto kuhanin yung lupa.
Kung sakaling may karapatan po yung father ko gusto ko po kasi sila tulungang maayos ito.Yung lupa po pala ay galing sa gobyerno at hindi po isang mana.
Kung sakaling may karapatan po yung father ko gusto ko po kasi sila tulungang maayos ito.Yung lupa po pala ay galing sa gobyerno at hindi po isang mana.