hello po, 1year na po akong nagtatrabaho sa callcenter sa taguig.ako po ay umabsent nung december 26,2010 from january 6, 2011. nung dcember 26 po ay nagkasakit po ako,may medecert po iyon,na pinagpapahinga ako ng 3days ng doctor..
tapos december 30 ay vacation leave ko kaya umuwi kami ng bicol. december 31 to january 1,ay restday ko..january 3, 2011 na po ako nakabalik..pagdating ko po ay nagpaherbal medeicine ako para sa sakit sa scoliosis..nagulat na lang po ako ng magtext ako sa supervisor ko na may return to work na ako samantalang araw araw ko siya tinitext..sabi niya kelangan ko daw pumasok para i explain ang side ko dahil may hearing na...sabi ko january 10 ako pinapapasok ng doctor kasi january 10 ang inilagay dun na date for fit to work..pagpasok ko po,pinapirma na nila agad ako ng return to work,nung una ayaw ko pa pumirma sabi ko bakit ganun? ang return to work po ay para sa nag aawol lang...nung araw na din un nag hearing kami ng 15 minutes at kinabukasan tinerminate nila ako..
ang nakalagay po sa termination paper awol daw po for three days,ganun po agad..wala po kaming company policy,una pa lang wala kaming handbook ng company policy tapos may bond po kami or contract na dapat 2years kami mag stay sa company or else magbabayad kami ng 100k. tama po ba ang ginawa nila sa akin,anu po ang mangyayari kapag hindi sila umattend ng hearing sa DOLE? anu po ang dapat gawin???
please help me...