Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Tenant Refuses to Vacate

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Tenant Refuses to Vacate Empty Tenant Refuses to Vacate Mon May 21, 2018 5:00 pm

irene100


Arresto Menor

Good afternoon po sir/maam.

Bahay po yung pinapaupahan namin. Kaya lang po di na po nakakabayad yung tenant namin. Pinagbigyan namin dahil dating kaibigan, kaya lang mukhang umabuso siya hangang sa naging 3 buwan na yung di niya nabayaran.

Pala-away din yung tenant namin. Marami siyang nakaaway na kapitbahay namin.

Inantay po namin na mapaso yung contrata.
Noong napaso na yung contrata, sinulatan namin siya na wala na kaming balak i-renew yung contrata.

Nagalit siya sa amin at nagbanta na hindi siya aalis kahit anong mangyari.

Kumpleto po kami sa mga permits (Mayor's permit, business permit, BiR, etc.). May notarized contract din po.

Ito po pala yung parte ng Lease Contract
Spoiler:

Nilagay po namin yung
extra-judicially terminated or cancelled as null and void
dahil payo sa amin nung kapitbahay. Para daw po hindi na po kailangan i-akyat sa court yung problema. Para daw yung mismong Barangay yung magpa-evict sa kanya.

Kaya lang po yung barangay namin parang naghuhugas kamay at ayaw pa-istorbo.

Gusto daw po nilang i-akyat sa court dahil applicable lang daw po yung "extra-judicial" sa mga may titulo. Hindi daw po nila kayang paalisin at pilitin yung tenant kung ayaw.

Tax Declaration po kasi yung lupa namin. Pero kumpleto po kami sa documents/receipts at fully paid yung mga taxes. Nagfile na din po kami ng application for Judicial Titling, at kasalukuyan pong pino-process sa court.

Nagbanta din po yung tenant na Gobyerno lang daw ang makakapag-paalis sa kanya. Para na pong nag-aangkin ng lupa.

Ano po bang magandang mai-papayo niyo sa amin. Salamat po

2Tenant Refuses to Vacate Empty Re: Tenant Refuses to Vacate Thu May 24, 2018 4:58 pm

attyLLL


moderator

the bgy is correct; they cannot do anything other than issue you a CFA. Your recourse is to hire a lawyer and file an ejectment suit in the MTC

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum