Ako po ay may katungkulan sa isang pabrika , licensed engineer ako at ang mismong tao ko na supervisor at may ambisyon yata na makuha puwesto ko sa trabaho ay nagkalat ng mga tsismis sa loob ng planta namin pero nang pinagharap kami ng mga managers ay napatunayan na puro kasinungalingan ang lahat ibinibintang sa akin.Kahit nagkausap na kami sa office ay patuloy pa din ang paghukay niya ng kung anu anong isyu laban sa akin,mga isyung apat o limang taon na nakakaraan. Nagtataka ako bakit di sya pinipigilan ng management namin na magsalita laban sa akin, marahil malakas sya sa management dahil siya taga repair ng mga electronic devices ng Plant Manager namin.pero magkaganon man, paano ko kaya mapapahinto ang tao ko sa paninira sa akin bilang empleyado at bilang engineer? Insubordination din ba ang ganitong kaso?
Sana po masagot nyo katanungan ko.
Salamat .