Ang pangalan po na ginagamit ko ay Charlyn Madayag Tuazon, ngunit ang nakalagay po sa birth certificate ko ay Charlyn Villanueva Madayag. Ang pangalan po ng aking nanay ay Floradel Villanueva Madayag at Norberto Librea Tuazon naman po ang pangalan ng tatay ko, hindi po kasal ang aking mga magulang. Ipinanganak at nakarehistro po ako sa San Fernando, La Union. Ipinanganak po ako nung July 07, 1998 at narehistro po nung July 15,1998. 19 years old na po ako sa kasalukuyan.
May Affidavit/Acknowledgement Admission of Paternity po sa likod ng aking birth certificate. Mula po nun ay Tuazon na ang ipinagamit saakin ng aking ama kaya't hanggang ngayon Tuazon parin po ang gamit ko kahit wala na po ang tatay ko at kahit na Madayag ang nasa birth certificate ko.
Wala pa pong annotation/remarks sa NSO/PSA copy na birth certificate ko. At patay na din po ang aking ama. Itatanong ko po sana kung ano po ang gagawin ko, upang ganap po akong maging Tuazon.
Kailangan ko po talaga ng inyong tulong, balak ko po kasi mag take ng board exam sa October ngayong taon. At hanggang August lang po ang filing. Lahat po ng papel o dokyumento ko ay Tuazon ang gamit ko, maliban sa aking birth certificate na sobra pong mahalagang requirement bago makapag take ng board exam
![Crying or Very sad](https://2img.net/i/fa/i/smiles/icon_cry.gif)
Maraming salamat po. Sanay matulungan niyo po ako.
Lubos na gumagalang,
Charlyn