Ask ko lang po kung ano po ang tamang proseso sa pag hingi ng sustento sa ama na ayaw mag bigay para sa kanyang mga anak.
Ako po si Anne, hiwalay sa asawa at may anim po akong anak na ang mga edad po ay 17,12,10,8,4 &3. di po nag bibigay ng sustento ang kanilang ama kahit po nasa ibang bansa po siya. Ang katwiran po niya nag aabroad din naman daw po ako at kaya ko naman daw buhayin ang mga bata. pang budget niya lang daw ang sahod nia. Ang gusto ko po sanang mangyari kung di rin lang siya mag bibigay ng sustento sa mga anak nia mas mabuti pa po siguro na mapauwi na lang siya. Maaari po ba ang ganon ang mapauwi siya. Kung sakali po ano po ba ang dapat kung gawin?
Sana po matulungan ninyo ako
Maraming salamat po
Anne