Magandang gabi po, Ako po si Sarah Tali ng Eastern Samar. NAis ko po sanang humingi ng payo, kung inyo pong mararapatin. May dalawa po akong anak, ang aking panganay ay 4 na taong gulang at ang isa ay isang taong gulang. Nais ko po sanang humingi ng suporta sa ama nila dahil hindi ko magawang makapagtrabaho sapagkat maliit pa ang aking dalawang anak at kailangan pa nila ng gabay ko. Nagbibigay lang ang kanilang ama kung kelan lang nito gusto at hindi pa sapat para sa dalawang bata. Hindi po kami kasal. Ano po ang dapat kung gawin? nasa samar po ako at siya naman ay taga laguna at nagtatrabaho sa maynila. MArami pong salamat.. umaasa po ako sa inyong kasagutan....