Gusto ko lang po sanang humingi ng advise kung ano ang mga kelangan na ayusin sa pagbebenta ng bahay at lupa na di pa nahahati naming magkapatid?
Fully paid na po kasi yung house and lot bago namatay parents ko at naiwanan saming dalawang magkapatid yung lote at bahay. Bale dalawang bahay po nakatirik sa lote, isa sa akin at isa sa kapatid ko within one gate. Di pa po namin nasesettle yung amilyar ng bahay gawa po ng kakapusan sa pera.
Okay lang po ba na yung bibili na lang ang magbayad ng amilyar at mag-ayos ng anumang kelangan para sa paghahati ng property? Di ko na po kasi natitirhan yung bahay na naiwan sa akin at yung kapatid ko na lang ang nandun nakatira sa bahay nya sa loob ng isang lote. 66 square meter po ang laki gn lote sa pagkakaalam ko. Magkano po kaya ang right price to sell my part?
Sana po mabigyan nyo ako ng payo.
- DEMIGOD XXIII