Hi, Im currently employed po sa bank as teller, Ive been working there since Nov 2008, then something happened nung December of 2010 wherein I credited 400K on a wrong account. Dapat po ay sa company, pero sa isa sa mga empleyado pala ito na credit. January na po namin nalaman ito, dapt po ay kung may mali sa transaction ay madali naman nalalaman, dahil nagccheck dapat ng work namin ang mga sup namin, ngunit wala ni isa ang nakapansin sa pagkakamali na iyon. Sa ngaun po ay ako ang ginigipit ng kumpanya, at sa kin sinisingil ang halagang ito sapagkat hindi na daw mahanap ang taong nacreditan ng pera. Nagresign daw ito sa company na pinagttrabahuan nya.
I would just like to ask if its really my responsibility as a teller na magbayad ng ganun kalaking halaga? kahit na hindi lang naman ako ang may kasalanan. Sa ngaun po kasi ay pinapipirma nila ako ng promisory note para sa halaga na yun. tama po ba na pirmahan ko yun? Ano po ba ang laban ko bilang isang normal na empleyado na minimum lamang ang sinusweldo? sana po ay matulungan nyo ako. Salamat po.