Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Promisory note

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Promisory note  Empty Promisory note Sat Dec 20, 2014 2:25 am

chu.abi12


Arresto Menor

Hi,
Na ospital po ang mother ko sa isang private hospital sa QC, meron po syang senior cit. at Philhealth at nakalapit din po sa PCSO at dahil sa kakulangan pa rin sa pinansiyal ay kami po ay nagpasa ng promisory note sa ospital. Ngunit hindi po kaagad pumayag ang ospital pinilit po kaming maghanap ng pera maski kalahati nun natitirang hospital bill, ngunit wala po kaming nahanapan,pagtapos po nun sinabi nila na kailangan nila pumunta sa aming tirahan upang makasiguro na iyon ang aming tunay na address, kinunan po ng picture ang aming tahanan at maliit na tindahan. Pagtapos po nun hindi pa rin po nila kami pinahintulutang makapagpromisory note at pinipilit nila na papayag lamang ang ospital kung kami ay makakapagopen ng checking account. Nun una po namin punta sa bank kami ay nadenied dahil kulang po kami ng requirement, kaya naman yun mismo sa billing ang nagarantiya sa banko na aprobahan kami na makapagopen ng checking account. At pagtapos nga po na makapagopen na kami ng checking account pinilit din po kami magissue ng mga cheke sa loob ng 5years.pagtapos po nun ay saka lamang nila pinayagang makauwi ang mother ko. Paano po kung hindi madeposituhan ng sapat na halaga ang account buwan buwan? Ano po ang paraan upang madepensahan ang mga magulang ko kung tumalbog ang mga cheke?kailangan pa pong magchemo ng mother ko kaya naman kami po ay lalong nagaalala.please po Need namin ng advise. Thanks

2Promisory note  Empty Re: Promisory note Sat Dec 20, 2014 10:54 am

karl rove

karl rove
Reclusion Perpetua

Ms Chu:

Eto ang sagot sa iyong katanungan:

REPUBLIC ACT NO. 9439 April 27, 2007

AN ACT PROHIBITING THE DETENTION OF PATIENTS IN HOSPITALS AND MEDICAL CLINICS ON GROUNDS OF NONPAYMENT OF HOSPITAL BILLS OR MEDICAL EXPENSES

Be it enacted by the Senate and House of Representatives of the Philippines in Congress assembled:

SECTION 1. It shall be unlawful for any hospital or medical clinic in the country to detain or to otherwise cause, directly or indirectly, the detention of patients who have fully or partially recovered or have been adequately attended to or who may have died, for reasons of nonpayment in part or in full of hospital bills or medical expenses.

SEC. 2. Patients who have fully or partially recovered and who already wish to leave the hospital or medical clinic but are financially incapable to settle, in part or in full, their hospitalization expenses, including professional fees and medicines, shall be allowed to leave the hospital or medical clinic, with a right to demand the issuance of the corresponding medical certificate and other pertinent papers required for the release of the patient from the hospital or medical clinic upon the execution of a promissory note covering the unpaid obligation. The promissory note shall be secured by either a mortgage or by a guarantee of a co-maker, who will be jointly and severally liable with the patient for the unpaid obligation. In the case of a deceased patient, the corresponding death certificate and other documents required for interment and other purposes shall be released to any of his surviving relatives requesting for the same: Provided, however, That patients who stayed in private rooms shall not be covered by this Act.

SEC. 3. Any officer or employee of the hospital or medical clinic responsible for releasing patients, who violates the provisions of this Act shall be punished by a fine of not less than Twenty thousand pesos (P20,000.00), but not more than Fifty thousand pesos (P50,000.00), or imprisonment of not less than one month, but not more than six months, or both such fine and imprisonment, at the discretion of the proper court.

SEC. 4. The Department of Health shall promulgate the necessary rules and regulations to carry out the provisions of this Act.

SEC. 5. If any provision of this Act is declared void and unconstitutional the remaining provisions hereof not affected thereby shall remain in full force and effect.

SEC. 6. All laws, decrees, orders, rules and regulations or part thereof inconsistent with this Act are hereby repealed or amended accordingly.

SEC. 7. This Act shall take effect fifteen (15) days after its publication in two national newspapers of general circulation.

Naiintindihan ko ang inyong kalagayan, totoo na ang taong nagigipit kahit sa patalim kumakapit kaya nanggawa ng batas ang ating Kongreso (RA 9439) para tugunan ang ganitong sitwasyon ng pasyente at ng hospital, lalo na kung pribado. Pribado ba ang hosipital na inyong pinasukan? Kasi kung gobyerno yan, malaki ang maitutulong sa inyo. Kung sabagay ajan na yang problema nyo.

Sabi ng batas, kailangan o obligasyon ng hospital na payagan mag isyu ng promissory note (PN) ang isang gipit pinansyal na pasyente bago ito payagang makalabas. Ang PN ay may nakaakibat na mortgage o sanla o ibang instrumento na pang garantiya katulad ng tseke. Ngunit sa ginawa ng hospital na yan na wala kayong inisyu na PN, ang tanong lang anong pinagagarantiyahan ng tseke. Kasi, dapat mong mabatid na kapag PN lang ang inyong ibinigay sa ospital at hindi kayo nakatupad sa inyong pangako na magbayad sa takdang panahon, isang kasong sibil lamang ang pwedeng isampa laban sa inyo dahil sa hindi pagtupad sa PN.

Kung cheke naman na inyong na isyu katulad dito sa iyong sinabi covering a period of five (5) years mahaba habang panahon yan, at isa dito ay tumalbog dahil hindi ninyo napondohan -- ang kaso ay Bouncing Check na may pangungulong bilang kaparusahan kung sakali tumalbog ang tseke o mga tseke.

Subalit, nung November, 2000 nag palabas ang korte Supreme na isang sirkular administratibo bilang 12-2000 na sinasabi dito na nasa diskrisyon ng hukuman na dumidinig ng kaso kung ang ipapataw na kaparusahan ay multa (fine) lamang o pagkabilanggo depende sa pangyayari kung paano nakapag isyu ng tseke.

Sa tingin ko ay nakapag isyu ng tseke ang nanay mo dahil sa kagipitan nyang sinapit nung sya ay nasa ospital at dumating ang sandali an kinapos sya ng pangbayad at humantong sa pag bubukas ng account sa bangko dahil sa pangyayari na ito. Iba kasi kung nag open ng account ang nanay mo para lokohin ang ospital lamang at walang sapat na kadahilanan.

Sana ay nasagot ko ang iyong katanungan.

Atty Karl Rove

3Promisory note  Empty Re: Promisory note Sat Dec 20, 2014 8:10 pm

chu.abi12


Arresto Menor

Atty Karl Rove,
Opo sa pribadong ospital naipasok ang nanay ko, at opo kami ay ginipit at pinilit na makapagopen ng checking account.. Maraming maraming salamat po sa advise na inyong ibinahagi sa akin napakalaking tulong po nito sa tulad namin salat sa batas. Mabuhay po kayo. At patnubayan po kayo ng poong May Kapal.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum