Good Day!
Gusto ko lang po humingi ng advise about my Husband's Concern. Dati din po ako nagtatrabaho sa BPO na pinapasukan nya ngayon.
1st Concern : Break Time
Meron po kaming 50 minutes Lunch Break and 20 Minutes Short Break sa 8 hours na pagtatrabaho. Ang restroom break namin pahirapan pa. 2minutes ka palang sa restroom sinisigawan at pinapagalitan ka na. "Bakit ka naka RestRoom? bakit 2 minutes?!" - Kailangan mo pang i-explain ang sarili mo. Ang bago nilang patakaran ngayon ay KAPAG MAG RERESTROOM KA IBABAWAS YUN SA 20MINS BREAK MO. So lumalabas po na wala na talaga restroom break.
2nd Concern : Rest day
Meron po kaming Restday 2 beses  naman po sa Isang Linggo. Gusto ko lang po malaman kung allowed po ba talaga ang "SPLIT OFF" kung tawagin. Sinesend po sa TL namin weekly ang schedule, which always falls to split off. Once in a blue moon lang po na magkasunod ang Rest day. Hindi namin alam ang schedule Next week kasi hihintayin pa namin ang Email na ipapadala. In short po, Weekly sila nagpapadala ng schedule. I wonder po kung ito po ba ay naaayon sa batas. Hindi ka po makapagplano ng Social Activities mo ahead dahil hindi mo naman alam ang sched mo sa susunod na Week.
3rd Concern : Leave
Meron po kaming Leave Credits.Kapag regular na po entitled na daw na mag-leave. Pag magpapasa ka ng Leave request na dedeclined. Kailangan mo magpakita ng mga evidence bago maapprove. Katulad po ng Airplane Ticket, Bus Ticket, Hotel Booking etc. Paano po kung maglealeave ka dahil gusto mo lang sa bahay bonding with the family? parang suntok sa buwan na ma-approve.
Marami pa pong mga concern sa Company na ito.. Pero those 3 concern po kasi ang sobrang nagpapahirap. The fact na nagkakasakit na dahil sa ganitong sistema. Ang kapag aabsent because masama pakiramdam like LBM sasabihan na pumasok dapat kasi "LBM lang naman yan eh! Aabsent pa?! Pwede naman mag RestRoom" - samantalang kapag nagrestroom ka sisigawan ka pa kung bakit matagal and ibabawas na rin naman sa short break na 20mins.
Sana po ay makatulong. Kung meron po akong maling interpretasyon Ill be more than happy to be corrected. Im just seeking any advise po tungkol dito.Grabe na po kasi ang sakripisyo ng asawa ko kasi mahal nya po ang work nya.
Regards,
Anonyruth