Resigned na po ako sa last company ko, may COE na and clearance.
Then after a month po, I received a message sa fb galing sa HR ng company na may discrepancy or sobra daw sa back pay ko. Which is nalaman ko lang nung nakareceived ako ng message.
Di ko alam kung ibabalik ko ung sobra or hindi since nagastos ko na ito dahil nasa hospital ang father ko.
Kaya gusto ko po makahingi ng legal advise para dito, sabi po kasi ng iba wala na silang habol dun dahil may document ako na cleared na ko sa company pero ayun nga po, gusto ko padin malaman ung legal na paraan.
Tsaka dati, before mabigay samin ung backpay samin, icheck daw namin mabuti bago pirmahan ung papel na may computation ng backpay namin. Kasi if kulang, di na nila maibibigay at di na namin mahahabol. So if sobra, vice versa ba? Wala sila sinabi.
Ung mali pong computation is, may deduction po kasi ako sa contract bond dahil di ko natapos ang 2 yrs ko sa company pero imbes negative sign ung nakalagay, positive ang nakalagay kaya siguro nagkamali. Napansin ko lang nung nagmessage un dahil chineck ko agad.
Thank you po.