Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Utang at Upa

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Utang at Upa Empty Utang at Upa Thu Apr 05, 2018 11:30 am

rein12


Arresto Menor

Good am po,
Everything started po last 2013, Nakahanap po ako ng bahay na mauupahan kaso may mga sira ang bahay. Nagbigay ako ng 2 months advance and deposit para maipaayos daw ng magpapaUpa na anak ng may-ari ang bahay then another 2 months advance payment.Nangutang ng nangutang sakin sa akin iaawas nalang daw sa upa ko. Nang panahong lilipat na sana ako pagkakita ko sa bahay ganun parin ang hitsura, walang maayos na pinto, butas ang bintana at tumutulo ang bubong,walang kisame. Pinapabayaran ko nalang ang nahiram nya na umabot ng 100K ay wala naman daw pambayad. Sa halip gumawa sya ng 3years lease of contract at nakiusap sa akin ang tiyahin nya ipagawa ko nalang ang bahay nang matirahan ko na, iaawas nalang daw sa upa ko na 5000/month. Dun din namin nalaman na adik daw ang nakaTransaction ko, which is yung pamangkin nya. Nakipagkapwa tao sila at naawa sa akin kaya ganun nalang. Ayaw man nila magpirmahan kami kasi matino naman daw sila kausap at may isa silang salita.
Last february 2018 pinapaalis na ako ng tiyahin sa bahay dahil kailangan na daw ng may-ari (kapatid nya) ang bahay. Tanggapin ko nalang ang 50K bilang kabayaran nila sa nalalabi ko pang upa. If magmatigas daw ako eh raransakin daw ng may-ari ang pinto o ipadlock. Sa takot ko umalis ako sa bahay.
Naghain ako ng reklamo sa barangay, nagHearing kami ng wednesday, sabi ng kagawad sana daw tinanggap ko na ang 50K. Wla na daw ako habol kasi walang may alam kung nasaan yung anak ng may-ari na nag-paupa at nangutang sa akin at ayaw din daw makiharap ng may-ari ng bahay.
Ang question ko po,.. may karapatan po ba ang kapatid ng may-ari na paalisin ako at takutin kahit wala silang SPA na galing mismo sa may-ari ng bahay.? Wla po ba tlaga ako magiging habol sa nagastos ko kasi sabi din ng kagawad sa almost 5 years daw na paninirahan ko sa exclusive subdivision ay sapat lang daw yung nagastos ko bayad sa renta gayung ako naman nagpaayos sa bahay at andito sa akin ang lahat ng resibo ng nagatos ko? May kaso po ba akong pwedeng isampa sa kanila? salamat

2Utang at Upa Empty Re: Utang at Upa Thu Apr 05, 2018 12:07 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

kasuhan mo yung pamangkin nila na nagtatago na nakatransaction mo. pwede ka magmatigas at wag umalis, kung ipadlock nila ang bahay ay pwede mo silang kasuhan since hindi ito ang tamang process ng pageevict sa tenant.

3Utang at Upa Empty Re: Utang at Upa Thu Apr 05, 2018 12:13 pm

rein12


Arresto Menor

Yun nga ang problema sir eh,.. sa takot ko na baka pag-uwi ko dun eh tinotoo nila ang banta nila eh at wala akong kaalam alam sa batas na kagaya po ng binabanggit nyu ay inalis ko mga gamit ko sa bahay.. mga built-in cabinet nalang ang tinira ko at maliliit na gamit.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum