Hindi po kasi nalagyan ng City sa "Place of Birth" field sa birth certificate ko ng lying in clinic kung saan ako ipinanganak. Bali sa birth place po nakalagay lang ay name ng clinic, wala na pong kasunod pa. Pero sa "Certificate of Attendant at Birth" section ay nakalagay naman yung complete address ng clinic. Reference: http://prntscr.com/ixemv2
Dahil sa error na ito, di po ako nakakuha ng passport nung 2015, sa DFA Megamall. Iniisip ko pong lumipat sa ibang branch magbabakasakaling maoverlook nila ang error na ito pero mas maganda po siguro kung maicorrect na.
Ayon po kasi sa lumang procedure, at least 4 months daw ang hihintayin bago makapag follow up ulit: http://manila.gov.ph/wp-content/uploads/12.pdf. But I was told din na mas mabilis na daw ngayon ang procedure ngayong bago na ang administrasyon.
Paano po kaya ang procedure sa pagcorrect nito, kung may bago mang procedure?