Last year around February, na aksidente po kami. Na bungo ko yung sasakyan sa harapan ko habang nag da drive ako. Noong nasa presinto na kami, in admit ko naman agad na kasalanan ko since it really was my fault. Ang usapan namin nung na nabunggo ko, sasagutin ko na lang yung pag papa-ayos sa sasakyan nila.
Nung nasa Casa na kami, naawa sila sa akin kasi credit card lang yung gagamitin kong pambayad, since wala talaga akong cash. Instead na pabayaran sa akin yung full sa casa, pinabayaran na lang sa akin yung participation fee at ipapasok na lang daw nila sa insurance.
After two months, nag text sa akin yung nabungo ko at sinabing me prublema pa sa kotse na di naayos nang Casa; tumatagal process nung insurance. Ang request, kung ok lang bayaran ko na lang nang cash yung kulang, which is around 3 thousand. Pumayag naman ako, at pinadala ko agad sa kanila.
Fast forward ngayon. Me natanggap akong Demand Letter galing sa insurance company. Pinapabayaran ako nang 28 thousand within 5 days nang matanggap ko yung letter. Otherwise, ipapadala daw nila yung matter na to sa Legal Department nila.
Ang mga tanong ko po:
1 - Kailangan ko bang bayaran yung nakalagay sa Demand Letter? Sa pagkaka intindi ko kasi, nagka aregluhan na kami nung may-ari last year, at wala na kong babayaran pa aside nga dun sa mga binigay ko sa kanila.
2 - If kelangan ko talagang bayaran, pwede ba akong humingi nang breakdown nang ginastos nila? Kasi sinama nila yung 6 thousand daw na binayaran nang cash nung client nila. Eh baka kasi sinama din nila yung binayaran kong participation fee.
3 - Pwede ko po bang i-request na gawing 6-months to pay yung hinihingi nila?
Salamat po nang marami.