Good day po,
Sana po matulungan nyo kami, ang bayaw ko po kasi ay nakausap nya ang dati nyang mga amo na ipadadala siya sa U.S. para siya maging personal driver or all around worker sa bahay, ang amo nya ang gumastos sa paglalakad ng mga papel na kakailanganin at kapag nakapunta na siya duon, tsaka na lang ibabawas o babayaran, puro verbal lang paguusap nila pero wala siyang pinirmahan na kontrata, naghintay ng ilang buwan ang bayaw ko, pero wala naman nangyayari kaya nagaapply muna siya ng trabaho sa ibang bansa, napasok siya ng trabaho at aalis siya halimbawa nuong november 15 papuntang ibang bansa, tsaka nya lang nalaman na may for interview siya for U.S. VIsa on November 25 halimbawa pero hindi pa sure kung maaapprove siya... pinili nya muna po umalis muna kasi wala siyang trabaho kapag hindi siya umalis ng november 15 mablablacklist siya sa bansa na iyon at agency.... Sa ngaun may dumating na demand letter from their atty. at pinababayaran sa kanya ang worth P30,000 plus at may resibo daw na hawak, nakalagay duon ay "The receipts are now in their hands but you deny to pay; and your whereabout is unknown/can not be located/disappeared without paying the afore-stated amount. In view hereof, I am sending you this demand letter to settle your account with my client otherwise we will be constrained to file appropriate case against you in court"
Ano po ang mga dapat nyang gawin? nasa ibang bansa siya. Ang reason ng bayaw ko hindi naman natuloy ang pagpunta bakit pinagbabayad siya...
Maraming Salamat oi