Kasal po ako at may 2 anak. Pero ang asawa ko po ay bumukod na po sa amin. Meron na po syang bagong babae ngayun at iyon po ay alam na alam na po sa pabrikang pinapasukan po nya. Pero ayon po sa kanilang 2 hindi p daw po sila nagsa2ma.Natanggal ang babae sa trabaho dahil sa bawal po daw iyon dun, nasa iisang pabrika lng po kasi sila nagtatrabaho.Hindi po sya nagbi2gay ng sustento para po sa kanyang mga anak. Nagpunta po ako sa pabrikang pinapasukan nya para po ayusin ang tungkol sa sustento ng aming mga anak pero wala pong humarap samin dahil family problem daw po ito.
Gusto ko po sanang magsampa ng kaso laban sa kanilang 2, at ang tanging katibayan na hawak ko po ay ang text po na galing sa ba2e na pag amin na may relasyon po sila ng asawa ko, ang video po ng pag uusap naming mag asawa at inamin nya po dun na may relasyon nga po sila at ang larawan po nila na magkasama.
1. Sapat na po ba yong katibayan para magsampa po ako ng kaso sa kanilang dalawa?
2. Ano po ba ang basehan ng halagang hihingin para po sa sustento ng 2 naming anak?
3. Kung sakali po ba pwede din po ba akong humingi ng danyos sa asawa ko at sa babae nya? magkano po kaya?
4. Maari po ba akong pumunta sa pabrikang pinapasukan ng asawa ko at hilingin na sa akin ibigay ang kalahati ng sahod nya? At kung sakali po sino po dun ang pwede pong kausapin regarding po sa problema namin?
Sana po matulungan nyo po ako. Maraming salamat po...