Good day po. Itatanong ko lang po kung ano ang magandang gawin sa kaso ng kapatid ko na pinatay. Ang complainant po ay ang kanyang asawa, patapos na po ang kaso at naibigay namin lahat ng kailangan ng korte na ebedensiya: mga pulis na nagrespond sa krimen, tatlong testigo, doktor na nag-autopsy, kapitan ng barangay, forensic expert, etc.
Last Hearing na po dapat namin nitong July pero nagmamatigas po ang asawa ng kapatid ko na ayaw ng umattend sa hearing. Nag-away po kasi sila ng aking nanay dahil nag-uwi siya ng lalaki sa bahay ng kapatid kong namatay eh hindi naman yun conjugal property, bahay iyon ng kapatid ko. Sinabihan siya ng nanay ko na kung gusto niyang mag-asawa, dapat siya ang iuwi ng magiging asawa niya at hindi siya ang mag-uuwi ng lalaki sa bahay ng kapatid kong namatay.
Ako po ang nag-paaral sa dalawa niyang anak buong high school nila, at ngayon ay nasa kolehiyo na po ang isa na patuloy pa ring nag-aaral sa aking poder. Halos kumulang 500,000 na ang nagastos ko sa private lawyer na kinuha ko para umusad lang ang kaso dahil wala naman pong trabaho ang hipag ko. Ngayon ay ako pa ang nagmamakaawa sa hipag ko na ituloy na niya ang pagtestigo pero pinapatayan niya ako ng cellphone pag tinatawagan ko siya, gusto ko na siyang isumpa at patigilin ang anak niya sa pag-aaral dahil kahit hirap ako ay tinutulungan ko pa rin siya. Puwede po bang ako na lang o kaya ang nanay ko ang gawin kong complainant sa halip na yung asawa niyang walang kwenta at walang inatupag kundi ang bagong lalaki niya? Hindi ko po matanong ang lawyer namin dahil hindi pa niya alam na ganito na ang kinahinatnan ng pinaglalaban naming kaso. Maraming salamat po, sana ay bigyan niyo kami ng liwanag para mapanatag ang aming loob.