Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Problem with land property with multiple owners

Go down  Message [Page 1 of 1]

Nea


Arresto Menor

Ask ko lang po yung tungkol sa lupa namin na minana namin sa Inay namin, na minana naman niya sa mga magulang niya.

Tatlong hati po yung lupa. Ang nasa OHA galing sa munisipyo namin, nakahati sa tiyo kong matandang binata na namatay na, sa tiya kong American citizen at naninirahan sa Amerika, at sa aming 5 magkakapatid. Yung titulo, wala pa po.

Ang sabi ng tiya ko, ibenenta daw sa kanya ng tiyo ko yung bahay at lupa ni Tiyo nung buhay pa ito. Wala po kaming nakitang deed of sale. Pinarentahan ng tiya ko yung bahay ng tiyo ko. Ipinapadala ko sa kanya ang renta ng bahay every 3 months sa Western Union para dollars na darating sa kanya.

Ang issue ng tiya ko, gusto niyang ibenta yung kaparte ng tiyo ko at yung kaparte niya. Ano po bang proseso dito? Kasi wala namang iniwan din na last will and testament ang tiyo ko eh matandang binata siya. Ang worry ko po, nasa likod ang kaparte naming lupa. Paano kung maibenta ng tiya ko ang lupa nila na nasa harapan namin? Pwede ba kaming mag-demand ng right of way? May sukat po ba itong dapat sundin ayon sa batas?

Paano po kung ang tax ng lupa ay wala namang ibinabayad ang tiya ko at lahat ng resibo nakapangalan sa akin, sa asawa ko, at sa isang kapatid ko dahil kami ang nagbabayad?

Ang isa pang issue ng tiya ko, nung ibenenta daw po ng tiyo ko yung kapirasong lupa sa harap ng bahay niya, pineke daw ang pirma niya, sabi ng tiya ko. Hindi po namin alam kung peke nga kasi nung pumirma po kami sa papeles ng bentahan ng tiyo ko, may pirma na ang tiya ko at hindi po kami pamilyar sa pirma niya. Hindi po kami nag-object sa pagbenta ng tiyo ko kasi kailangan niya noon ng pera at isa pa, property niya ang ibinebenta niya.

Pwede po bang makahingi ng payo kung anong legal na proseso ang dapat na masunod at kung pwede kaming mag-demand ng right of way?

Marami pong salamat!

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum