Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Illegal Online Lending pala.

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Illegal Online Lending pala.  Empty Illegal Online Lending pala. Sun Jan 14, 2018 1:34 am

aerashi


Arresto Menor

Hello po.
I am writing this letter not only for myself but also para na rin po sa mga kasama ko sa isang group sa facebook na victims ng isang Online Lending Corporation.

In my case.
Nove 15 nag reloan po ako sa kanila ng 6k pero 5400 lang po ang nakuha ko o dineposit nila sa account ko, which is payable within 30 days.
1 week before due date po nagbayad ako ng prolongitation fee na 1800 gaya ng nakainclude sa text message nila to extend my loan for another 30 days but i have a bad feeling with the prolongitation fee na nabayaran ko po kaya nagsearch po ako ng nagsearch sa facebook nila ng tungkol dito until one time napagalaman ko na lalo pong nababaon sa utang ang nagbabayad ng prolongitation fee na sinasabi nila kasi bukod po sa 700 pesos na late payment fee may 1% daily pa pong nadagdag na interest.

Then nung nagbayad po ako ng 1800 nagtataka po ako wala akong narereceive na text, tawag, email galing sa kanila na nareceive nila yung 1800,follow up po ako ng follow up sa kanila pero system generated po ang message na narereceive ko from them. until dumating si due date dec. 15 wala pong natawag email ulit ako madalas sa kanila. ganon pa rin. until december 15 nakareceive ako na overdue na daw po ung loan ko need to settle 7800 po within the day, email. and message po ako sa fb nila na bakit ganon di nila inacknowledge ung prolongitation fee pero wala pa rin po silang aksyon na ginawa. December 16 may tumawag na nagreremind na po ng due date 7800 so aun nagdecide na rin po akong bayaran ng buo, sinabi ko po sa kausap ko na agent collector po nilana tutal hindi naacknowledge ung 1800 kasi daw po nagkasystem problem sinabi ko po na 6000na lang dapat kong isettle kinausap nya ung supervisor nya po pumayag naman po na isettle ko si 6000 on or before december 17.

December 17 lunch time may tumawag po ulit na agent nagreremind sa 6k para daw makareloan na ko ulit (pero wala na kong balak) so hapon po nag settle ako ng 6k pero maya konti ang text na dumating una na nareceive na nila yung payment pero may sumunod pong text na may balance pa daw ako na 3040, tapos may email na dumating may balance pa daw po. akong 2500

So nagulat naman po ako don nagsettle na po ako sa napagusapan namin bago may utang pa rin ako. nung time na yon email, chat nanaman ako sa kanila araw araw 2.linggo po pero 1 beses lang sila sumagot na forwarding to close account na nga po since nagsettle naman ako sa napagusapan. pero wala pong nangyari ganon pa rin hindi po nakiclear ung loan ko sa knila hindi nila na ko sinasagot sa emails, chat, until one time may friend rin po ako na may loan sa kanila nakisuyo na ako na kausapin para tawagan po ako pero hindi pa rin po ako tinawagan hanggang sa sabi ng friend ko wait daw po namin bago mag january 15 baka. may tumawag para singilin ako sanutang na dapat wala na.

eto na. po si janunary 12 nagstart na po sola tumawag ng tumawag paliwanag po ulit ako ng. paliwanag paulit ulit pero wala. silang ibang sinasabi po kundi irereport na po. nila for closing pero up. to now may natawag pinipilit pa rin po ako singilin at take note po. sa. system daw po nila 8500 pa daw po need ko isettle.

ano pong kailangan o dapat. ko pong gawin?
actually po may group po kami sa facebook di lang po ako ang victim. ng ganyang scheme nila marami pa po kami and alarming po ung panghaharass nila sa iba pa po naming kamember kahit po bayad na sinisingil pa rin, hinaharass pa po nila at tinatakot. most alarming is gumagamit po sila ng names ng atty na hindi involve sa kanila. kasi. one time po nagmessage kami sa isang atty na pinapakilala nila thru text and call then nagreply po yung atty na hindi po. siya related sa. lending na yon.

hopefully matulungan niyo po ako o. kami. maraming salamat po

2Illegal Online Lending pala.  Empty Re: Illegal Online Lending pala. Sun Jan 14, 2018 1:23 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

humingi ka ng breakdown sa kanila regarding sa liabilities mo sa kanila. sabihin mo na di ka magbabayad unless maiproprovide nila to.

3Illegal Online Lending pala.  Empty Re: Illegal Online Lending pala. Sun Jan 14, 2018 1:46 pm

aerashi


Arresto Menor

salamat po sir mag eemail po ako sa kanila ngayon at for sure tatawag ulit sila bukas.

4Illegal Online Lending pala.  Empty Re: Illegal Online Lending pala. Sun Jan 14, 2018 9:08 pm

attyLLL


moderator

You should forward to them the proof of your payments and make your own accounting of what you believe the balance should be based on the original agreement.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

5Illegal Online Lending pala.  Empty Re: Illegal Online Lending pala. Sun Jan 14, 2018 9:32 pm

aerashi


Arresto Menor

Sa original agreement po yung 6k na loan pero 5400 lang po kasi for processing fee daw po. ung 600 and return amount po nya is 7800, so ung 1800 po na dapat for prolongitation pero di nila naacknowledge for prolongitation so ang naging agreement po is 6000 na lang isesettle ko for almost 1 month po nag eemail ako sa kanila up to now kasama po sa attachment ang receipt, and text message nila na 6000 na lang isettle ko pero hindi po sila sumasagot ngayon lang sila tumatawag ng tumatawag kasi sinisingil po nila ako sa utang ko pa daw po na dapat wala na.

6Illegal Online Lending pala.  Empty Re: Illegal Online Lending pala. Sun Jan 14, 2018 9:35 pm

aerashi


Arresto Menor

Tapos today 2 times ako nakareceive sa kanila na may balance pa daw po akong 2500 do i still need to pay for that kung di naman po ako sigurado after magbayad ng 2500 clear na ako kasi sa system daw nila 8500 pa nalabas na utang ko sobra sobra naman po un eh ginawa ko naman po yung usapan na magsettle ng 6000 kasi may 1800 na sa kanila.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum