ito po ang scenario, nakabuntis ang boyfriend ko at nanganak na ang babae last December 2017. humingi ng tulong ang babae sa isang adoption page sa Facebook para mahanapan ng adopter dahil hindi na nya makontak ang boyfriend ko ,hindi nya alam gagawin nya sa baby since wala syang financial para isupport at walang nkkaalam sa family nya ng condition nya.Hindi din sya handa na magkababy at ayaw nyang may makaalam sa condition nya at ako padin ang pinili ng boyfriend ko.
nakahanap naman sya ng adopters at nsa pngangalaga na nila ang baby right after delivery, nkapangalan nadin ito sa adopter.
ngayon po nagbago ang isip ng babae at nagsisi na pina adopt nya pero nasa adopter na ito at nakapangalan na.
nakausap ko sya recently at galit sya sa boyfriend ko at sinabi nyang kakasuhan nya ito. at gusto rin nyang maibalik ang bata sakanya.
ang tanong ko po is (1) Maibabalik paba sakanya ang baby nya ngayong nkapangalan na sa adopters? (2)If ever na kasuhan nya ang boyfriend ko, may laban ba sya?at anong kaso ito?
Ang pagkakaalam ko kasi ay since pina adopt nya ang baby nya at naipangalan na sa adopters.. winave n nya ang rights nya as parent.
salamat sa sasagot.