Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

WE ARE MARRIED SA BIRTH CERTIFICATE NG BATA PERO DI TALAGA KAMI KASAL. HELP PO!

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

Clueless315


Arresto Menor

Hello po! First time ko po magpost dito.
I have 2 kids with my live-in partner.
We were both ex-OFW's in Dubai.
Nung una po akong nabuntis nagplano po kaming magpakasal sa Dubai. Nung time na yun inayos na namin ang mga requirements para sa civil wedding namin pero yung parental consent kelangan pala authenticated din ng DFA. We were both under 25 years old. 2 months pregnant na ako noon. Natakot kami baka matagalan ang pagprocess ng papers at lumaki na ang tyan ko kaya ang ginawa namin bumili na lang kami ng fake marriage certificate sa isa rin nateng kababayan sa Dubai.
Di na natuloy ang pagpapakasal namin dahil nasolusyunan naman ng fake marriage cert.
Umuwi ako sa Pinas para manganak, di alam ng tatay ko na nabuntis ako sa Dubai na hindi pa kasal. Yung mother ko lang ang nakakaalam ng totoo. Nanganak lang ako sa isang RHU, nung pinaregister ko na yung baby ko, dineclare ko na married kami kahit hindi naman. Hindi naman na nagcheck ng documents and nagverify yung midwife na nagfile ng birth registration ng baby. Nahiya kase ako sabihin na hindi kami kasal at medyo kilala ang tatay ko sa lugar namin, I know kelangan ng pirma ng father pag unmarried ang parents. Dineclare ko na married para mapabilis yung pagrelease ng birth cert which is kelangan para sa binyag. Umuwi din yung partner ko after 2 wks kong nanganak para sa binyag ng baby.
Bumalik ako sa Dubai after 30 days pagkapanganak at nagsama uli kami ng live-in partner ko. Nabuntis ako sa baby#2 after 2yrs at nanganak uli ako sa same RHU sa Pinas, pinanindigan ko ng married kami, kaya nung pinaregister ko si bunso married na naman ang nakalagay, di na nga ako tinanong nung midwife kase kilala na nya ako at ang alam nya kasal kami sa Dubai. Di na ako bumalik sa Dubai pagkapanganak ko sa 2nd baby.
Fast Forward. Andito na kami ngayon ng live-in partner ko sa Pinas for good. 10 yrs na kaming magkarelasyon pero di pa rin kasal.
Yung partner ko pulis na po. Di po dineclare ng partner ko na dependents nya yung 2 kids namin dahil nga po may disparity po sa birth cert ng 2 bata. Maku-question sya dahil married ang nakalagay, pero single ang status na nasa file nya sa PNP. Pareho po kaming single at never naikasal.
In case po maghiwalay kami ng partner ko, may habol po ba yung mga kids ko when it comes to child support? 8 yrs old po yung panganay namin at 6 yrs old yung bunso. Ano pong dapat naming gawin para macorreect yung mali sa birth certificate nila?
Naiinip na ako maghintay kung makakasal pa kami o hindi na, mukang nag eenjoy yung partner ko sa buhay binata e.
In case naman po na magpakasal kami, illegitimate pa rin po ba yung 2 anak namin? Ano pong gagawin namin in case makasal kami, kelangan po ba iadopt ng partner ko yung 2kids kahit na sya naman talaga ang biological father?

xtianjames


Reclusion Perpetua

Regarding sa habol, since fake yung filiation nung bata at ama sa BC nila, unang kailangan gawin para magka legal na habol sila ay itama yung filiation ng mga bata sa ama nila by having him acknowledge the children once maitama yung BC na illegitimate yung mga bata.

regarding how to correct their BC, Judicial correction of entries in the civil registry should be filed in court.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum