The thing is, mula pagkabata niya hanggang sa pagtanda e hindi siya marunong makisama. She verbally abuses all of us. Even my parents. Nung bata pa ako, lagi niya din akong sinasaktan kahit dahil sa maliit na bagay lang.
Wala din siyang tinutulong sa bahay. Gumagamit siya ng kuryente at tubig pero kahit piso wala siyang shineshare. Tinry naman siyang palayasin pero ayaw niya. Umaabot pa na lumalaban siya physically sa parents ko.
May 40+ years old na siya. Senior citizens na magulang ko. Di na umayos yung ugali niya na nambabastos sa magulang.
Everytime na nagkakadisagreement sila ng parents ko, pinapabayaan nalang ng parents ko kasi baka atakihin pa sila.
Please, is there a legal way to force her to move out? Matanda na parents ko. Ayoko nang nasestress pa sila dahil sa kanya.