Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

NBI Clearance - please help (early resignation)

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

MichiMochiMochi


Arresto Menor

Hi po, mag tatanong po sana ako. Nag work po kasi ako sa isang small private school and then hindi ko po kinaya ang pag mamaliit sa akin ng principal and board. May 1 year contract po ako sa kanila pero hindi ko po natapos yun at nag pass po ako ng resignation letter sa kanila. Sa resignation letter ko po nag thank you lang po ako sa opportunity at sinabi ko po na mag reresign na ako and hindi ko po sila binadmouth. Hindi na rin po nila binigay sa akin ang last month na sahod ko khit po natapoos ko iyon pero di na po ako nagsaita.

Tanong ko lang po, ngayon po nag mag apply ako for NBI clearance natatakot po ako magka hit dahil po dito. Magkakaroon po kaya ako ng HIT dahil dito? Hindi po ako nagbago ng address at wala naman po na kahit na anong letter na pinapatawag ako na dumating galing sa kanila. Kailangan po ba na padalhan muna nila ako ng letter bago po ako makasuhan o kahit po hindi ko po alam?

Natatakot po kasi ako na baka may HIT wala po kasi akong pambayad sa kaso o abogado. Thank you po sa sasagot.

mrs_scofield


Prision Correccional

Hi, magkakaron ka lang ng "hit" sa NBI Clearance kapag may nakasampang kasong kriminal laban sayo. At ang pagre-resign ay hindi maituturing na paglabag sa anumang batas sa Revised Penal Code bagkus ito ay isang karapatan ng isang empleyado sa ilalim ng Labor Code para putulin ang kanyang kaugnayan sa kanyang employer.

Sa iyong kontrata, meron ba doong kondisyon para sa pagre-resign ng isang guro? Meron bang nailalathala na grace period para magbigay ng notice? Kung meron, ito ay dapat na sinusunod upang ikaw ay hindi habulin ng eskwelahan para sa danyos sa iyong paglabag ng iyong kontrata. Subalit ito ay hindi criminal case at civil case lamang.

Gayunpaman, ikaw ay may karaptan parin upang makuha ang iyong backpay para sa araw na iyong pinasok. Ikaw ba ay nagtanong kung bakit ito ay hindi binigay sa iyo? Maaring may mga kailangan ka pang gawin bago ito mabayaran tulad ng pag-process ng clearance or pag-turnover ng mga gawain mo bilang isang guro sa iyong kapalit at pati narin ng mga gamit ng eskwelahan kung meron man.

Nais kong ipaalam saiyo na ang mga sumusunod na opinyon ay aking binase sa iyong mga nabanggit at ito ay hindi katibayan ng anumang relasyon bilang abogado at kliyente sa ating dalawa.

MichiMochiMochi


Arresto Menor

Nilipat ko po ang second question ko dito : http://www.pinoylawyer.org/t39038-help-me-please-early-resignation

MichiMochiMochi


Arresto Menor

mrs_scofield wrote:Hi, magkakaron ka lang ng "hit" sa NBI Clearance kapag may nakasampang kasong kriminal laban sayo. At ang pagre-resign ay hindi maituturing na paglabag sa anumang batas sa Revised Penal Code bagkus ito ay isang karapatan ng isang empleyado sa ilalim ng Labor Code para putulin ang kanyang kaugnayan sa kanyang employer.

Sa iyong kontrata, meron ba doong kondisyon para sa pagre-resign ng isang guro? Meron bang nailalathala na grace period para magbigay ng notice? Kung meron, ito ay dapat na sinusunod upang ikaw ay hindi habulin ng eskwelahan para sa danyos sa iyong paglabag ng iyong kontrata. Subalit ito ay hindi criminal case at civil case lamang.

Gayunpaman, ikaw ay may karaptan parin upang makuha ang iyong backpay para sa araw na iyong pinasok. Ikaw ba ay nagtanong kung bakit ito ay hindi binigay sa iyo? Maaring may mga kailangan ka pang gawin bago ito mabayaran tulad ng pag-process ng clearance or pag-turnover ng mga gawain mo bilang isang guro sa iyong kapalit at pati narin ng mga gamit ng eskwelahan kung meron man.

Nais kong ipaalam saiyo na ang mga sumusunod na opinyon ay aking binase sa iyong mga nabanggit at ito ay hindi katibayan ng anumang relasyon bilang abogado at kliyente sa ating dalawa.

Nilipat ko po ang second question ko dito : http://www.pinoylawyer.org/t39038-help-me-please-early-resignation. Sana po mabigyan niyo po ako ng opinyon niyo. Salamat po Smile

mrs_scofield


Prision Correccional

Malalaman mo kung may kaso kapag naka-receive ka ng Summons together with a copy of the Complaint. Pero based on experience, hindi sila nagsasampa sa ganyan na kaliit na bagay lalo na naghiwalay naman kayo ng maayos at hindi ka naman nila sinulatan o sinabihan na kailangan mong magrender ng 30 days notice.

If there's no such provision on damages in case of breach in your contract as well as in DepEd Order No. 88, then nothing to worry about.

Maria_24


Arresto Menor

Magandang gabi po atty..
Hingi po ako ng advice anu po dapat gawin kapag ung dissmissal paper ay mali ang nkalagay na csa file nagkabaligtad po ung type pero lahat po ng info ay tama nman un tlaga ang bukod tanging mali..
Sana mabigyan nyo po ako ng advice kung ano dapat ko gawin..
Salamat

attyLLL


moderator

dismissal issued by what authority? you can file a manifestation to point out the error to be safe

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum