Nag work po kasi ako sa isang small private school and then hindi ko po kinaya ang pag mamaliit sa akin ng principal and board. May 1 year contract po ako sa kanila pero hindi ko po natapos yun at nag pass po ako ng resignation letter sa kanila. Sa resignation letter ko po nag thank you lang po ako sa opportunity at sinabi ko po na mag reresign na ako and hindi ko po sila binadmouth. Hindi na rin po nila binigay sa akin ang last month na sahod ko khit po natapoos ko iyon pero di na po ako nagsaita.
Paano ko po malalaman kung sinampahan po nila ako ng civil case? Kailangan po bang may letter or kahit po wala po silang ibinigay pwede po nila akong sampahan?
Pina receive ko naman po ang lahat ng mga school property na ibinalik ko po at tinapos ko po lahat ng grades bago po ako umalis. Yung nga lang po tama po kayo sa grace period na 30 days pero wala pong kahit na anong nakalagay sa kontrata na may babayaran po.
Ang sinusunod po sa kontrata namin na rights namin ay ang Deped order no. 88 s., of 2010 kahit po private school kami. . Pina receive ko rin po ang resignation letter ko at wala naman po silang sinabi. Ano po kaya? May damages pa rin po kaya silang ma cla-claim kahit po walang nakalagay doon na kahit na ano sa kontrata na may damages kung hindi matapos? Thank you po ulit.